Iskwater Ni Luis G. Asuncion
NICHOLE P. ARELLANO BSCRIM 2D Iskwater Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan Pagtataya 1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay? Masasabi ko na isa sa mga dahilan kung bakit ang ibang mga pilipino ay nakatira sa mga mapipiit na lugar kagaya ng iskwater ay dahil nga sa kahirapan, na walang magawa kundi makipag siksikan sa lugar na nakakasulasok dahil sa magkaka dikit dikit na tirahan. Sa tingin ko ang sentral ng paksang ito ay nakatuon sa magkakaibang sitwasyon ng tao na ang sitwasyong mayaman at ang sitwasyong mahirap na nagbigay saatin ng sariling obserbasyon ng manunulat. Ipinahiwatig niya rito ang kalagayan ng pagiging mahirap na nakatira sa iskwater at ang mga nakakalungkot na katotohanan tungkol sa mga mayayaman na mas binibigyan sila ng karapatan ng karamihan dahil nga sa mayaman at may pera sila. Ibinahagi niya rin rito ang sariling karanasan tungkol sa paninirahan nila sa iskwater na mas naging mahirap dahil sa makikipag siksikan narin...