Iskwater Ni Luis G. Asuncion
NICHOLE P. ARELLANO BSCRIM 2D
Iskwater
Ni Luis G. Asuncion
Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan
Pagtataya
1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?
Masasabi ko na isa sa mga dahilan kung bakit ang ibang mga pilipino ay nakatira sa mga mapipiit na lugar kagaya ng iskwater ay dahil nga sa kahirapan, na walang magawa kundi makipag siksikan sa lugar na nakakasulasok dahil sa magkaka dikit dikit na tirahan. Sa tingin ko ang sentral ng paksang ito ay nakatuon sa magkakaibang sitwasyon ng tao na ang sitwasyong mayaman at ang sitwasyong mahirap na nagbigay saatin ng sariling obserbasyon ng manunulat. Ipinahiwatig niya rito ang kalagayan ng pagiging mahirap na nakatira sa iskwater at ang mga nakakalungkot na katotohanan tungkol sa mga mayayaman na mas binibigyan sila ng karapatan ng karamihan dahil nga sa mayaman at may pera sila. Ibinahagi niya rin rito ang sariling karanasan tungkol sa paninirahan nila sa iskwater na mas naging mahirap dahil sa makikipag siksikan narin doon ang mga mayayaman, na kung tutuusin ay mas malaya silang makapag patayo ng tirahan saan mang lugar, kasi nga mas may kakayahan silang gawin iyon dahil sa may kayamanan sila. Makikita rito ang hindi pantay pantay na sitwasyon na meron sa isang pamilya na ang sinasabi ay mas may karapatan ang mga mayayaman kesa sa mga mahihirap na ang kayayahan ng mga mayayaman ay subrang taas kesa sa kayang gawin lamang ng mga mahihirap. Tanging ang kahirapan ng pilipino pa rin ang gustong ipaalam o gustong ipahiwatig ng manunulat sa sanaysay na ito, na dapat nating alamin upang maibsan at magawan ng paraan para matigil ang pag usbong ng kahirapan sa pilipinas. Kaya't mas maigi namumulat tayo sa katotohanan na mahirap talaga ang ating bansa para tayo mismo ang mag isip at kikilos upang matigil ito.
2. Mayroon bang paksang di tuwirang tinalakay sa tekso? Magbigay ng halimbawa.
Oo, Nangako ang gobyerno na kapag nademolis kami ay may nakahanda kaming malilipatang lupa sa parte ng payatas.
3. Ano ang layuning may-akda sa pagtalakay ng paksa?
Ang layunin ng may akda sa pag talakay sa paksa ay para malaman at maintindihan ng iba ang kalagayan ng mahihirap sa lugar na iyon, para na rin maintindihan ng iba na hindi nila piniling maging mahirap sadyang wala silang kakayahan na makahanap ng disenteng hanap buhay dahil narin sa kakulangan sa nalalaman at hindi pantay na oportunidad sa mga tao na nakatira dun , Meron nga tayong kasabihan na "ang mahihirap ay lalong naghihirap at ang mayayaman ay lalong yumayaman.
4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit?
Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?
Sang ayon ako sa tinalakay sa paksa na , Pagkakaroon ng mga mahihirap ng disenteng tirahan na ibibigay ng gobyerno upang magkaroon sila ng maayos na pamumuhay at makapagsimula ng magandang buhay , Ang di ako sang ayon ay ang hindi pantay na karapatan ng mahirap at mayaman. Pag mayaman pwedeng gawin kahit ano, kahit makakaistorbo na sa iba, hindi ka pwede magreklamo dahil kaya nila bayaran ang mga kinauukulan sa lugar nila. Pag mahirap ka konti ingay o konting kasiyahan lang magrereklamo na ang mayayaman sa sitwasyon palang na ganito malalaman mo na agad na iba ang nagagawa ng pera.
5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto?
Ako bilang mag aaral at isang mamamayang pilipino na namulat sa modernong mundo na puno ng pagbabago ay talagang makakaugnay sa gawang tekstong ito, dahil ang kaisipan na inilahad dito ay talagang nangyayari sa ating bansa, na naging karanasan ng maraming mamamayan rito. Nakakaugnay ako dahil ang tinatawag nilang kahirapan ay nararanasan din namin na minsan, na naging dahilan ng di pagkakaintindihan ng aking pamilya. Ang mga inilahad na kaisipan ay totoong nangyayari rin sa aking buhay na nag udyok saakin na magsipag sa pag aaral upang makawala sa kahirapan. Ang pagkakaroon ng inggit sa mayayamang pamilya ay minsan ko ring naramdaman, na batid ko ay sana lahat ay pinanganak ring mayaman na tila bang nakakamit o nakukuha mo ang lahat sa isang hiling lamang. Ngunit wala akong magawa kundi maging kantento nalang sa kung ano ang meron, dahil para saakin ang pagiging mahirap ay hindi pang habang buhay, kung ikaw ay masipag at nangangarap para makamit ang buhay na ibang iba sa pagiging mahirap.
6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto
ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng
iskwater? Ipaliwanag.
Kapag naririnig natin ang salitang iskwater hindi natin matatangi na ang pumapasok agad sa ating isipan ay ang mga salitang, nakakasulasok, mabaho, kremin, dikit dikit na tirahan, sandamakmak na pamilya, at huli ay ang kahirapan, at ang sanaysay na sinulat ni Luis G. Asucion patungkol sa panitikang kahirapan ay nagpapakita ng kahalagahan patungkol sa pagtukoy ng ganitong sanaysay na siyang magbigay linaw sa kung ano ang talagang nangyayari sa partikular na lugar. Napakahalaga ang ganitong konsepto sa isang sanaysay para sa mga tao na di alam ang tunay na buhay ng mga iskwater dahil kadalasan ang tingin nila sa mga taga iskwater mga tamad, mga hindi maganda ang pag uugali, minsan pa nga adik o masamang loob ngunit mali ang kanilang pananaw sa mga tao sa iskwater dahil kung sino pa minsan ang mahihirap ang buhay sila pa ang kuntento kung ano lang ang meron sila.
7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan?
Ipaliwanag.
Lahat ng nasa loob ng teksto ay maiuugnay ko sa kasalukuyan dahil totoong nangyari at nangyayari pa din hanggang ngayon ang mga ganun bagay , mababa pa din ang tingin ng ibang tao sa mga nakatira sa iskwater, hindi pa din nila nakukuha ang karapatan na dapat meron din sila katulad sa mga mayayaman. Sa ngayon na may pandemya ang bansa lubhang madadagdagan na naman ang mga mahihirap na pamilya at patuloy ang pagdurusa nila dahil sa patuloy na pag usbong ng kahirapan at hindi matatangi kahit sa hinaharap ay hindi pa din pantay ang trato at tingin sa kanila ng mga tao hanggang ngayon, kaya sa konseptong ito ng sanaysay malaking tulong ito upang maintindihan ng iba na hindi lahat ng nakatira sa ganun lugar ay walang karapatan sa lahat dahil hindi naman nila ginusto ang pagiging mahirap.
Comments
Post a Comment